Ang hirap. Kasi kung kelan na ang akala mo, tamang tama ang pagdating nitong taong ito, ng sandaling ito sa buhay mo habang ang lungkot lungkot mo, na akala mo yey, tapos na ang dilim ng sandali, tapos na ung haba ng gabi, saka naman pala maiisip mo na hindi pala.
Nakakapagod na. Tila parang gusto ko na hindi na lang mangyari kahit kelan. Na habang buhay ko nang isasara ung puso ko, hindi titibok, hindi aasa, hindi magmamahal. Baka dun lang pala ako maswerte, ung hindi makakaramdam.
Ayoko na.
No comments:
Post a Comment